Nagmistulang Daan
Sa lugar kung saan kami naninirahan, maraming mga bahay ang pinaliligiran ng matataas at matitibay na pader. Mayroon pang mga electric barb wires ang iba. Nagsisilbing proteksyon ang mga iyon laban sa mga magnanakaw.
Maaaring maganda ang layunin ng pagtatayo ng mga pader. Subalit may mga pagkakataon din na ang harang na iyon ay nagdudulot ng pagtatangi kahit hindi naman magnanakaw…
Nakikilala Niya Tayo
Alam kaya ng Dios ang masamang pakiramdam ko habang bumiyahe ako pauwi sa aming tahanan? Mataas ang lagnat ko at masakit ang ulo ko noon. Nanalangin ako, “Panginoon, alam kong kasama Kita, pero nahihirapan ako ngayon!”
Matinding pagod at hirap ang naranasan ko sa napakahabang biyahe. Tumigil muna ako saglit sa isang komunidad. Makalipas ang ilang sandali ay may nadinig akong…
Pinalaya
Tuwang-tuwa ako sa mga manok noong bata pa ako dahil may katangian ang mga ito na kinabibiliban ko. Kapag nakakahuli ako ng manok, inilalapag ko ito at saka pinapakawalan. Dahil akala ng manok na hawak ko pa rin ito, nananatili itong nakaupo kahit malaya na itong umalis.
Kapag sumampalataya na tayo kay Jesus, pinapalaya Niya tayo sa pagkaalipin sa kasalanan at…
Pagpupuri sa Dios
Iminungkahi ng isa naming kasama sa grupo sa pag-aaral ng Biblia na gumawa raw kami ng sarili naming salmo. Kahit ang iba ay tumutol at nagsabing wala silang kakayanang magsulat, nakagawa rin kami ng mga tula na naglalarawan sa pagkilos ng Dios sa aming mga buhay.
Gaya ng sinasabi sa Salmo 136, ang bawat tula ay nagpakita na ang pag-ibig ng…
Sa tuwing Naghihirap
Nang magtiwala ang 18 taong gulang na si Sammy kay Jesus, itinakwil siya ng kanyang pamilya. Taliwas kasi ito sa kanilang pananam-palataya. Pero tinanggap siya ng mga nagtitiwala kay Jesus, pinalakas ang kanyang loob at tinulungan sa mga pangangailangan sa kanyang pagaaral. Nang mailathala sa isang magasin ang tungkol sa kanyang pagtitiwala kay Jesus, lalo pang tumindi ang pagsalungat ng kanyang…
Nagpapatuloy
Habang naglalakad ako sa gilid ng gusali ng aming opisina, napansin ko ang isang magandang bulaklak. Tumubo ito sa bitak ng sementadong lugar. Kahit na hindi akma kung saan nakatanim ang bulaklak, makikita na matibay at malago ito. Napansin ko rin na nakatanim ito kung saan tumutulo ang tubig na galing sa isang aircon ng aming opisina. Kaya, kahit hindi maayos…
Tulad ng Agila
Dinala ni Betty at ng kanyang asawa ang kanilang anak sa ospital dahil napakasama ng pakiramdam nito. Naging payapa lang ang loob ni Betty pagkaraan ng ilang oras nang tiyakin sa kanya ng mga doktor at nars na gagaling ang kanyang anak at aalagaan nila ito. Habang nag-aalala siya sa kalagayan ng kanyang anak, naisip ni Betty na may Dios na…
Laging Manalangin
Isang babae ang kumuha ng upuan at lumuhod sa tapat nito. Umiiyak niyang sinabi, “Panginoong Dios, inaanyayahan ko po kayong umupo rito.
Nais ko po kayong kausapin.” Nanalangin siya habang tinitingnan ang upuan. Iniisip ng babae na nakaupo mismo ang Dios sa upuang iyon at malakas ang paniniwala niyang nakikinig ang Dios sa kanyang panalangin.
Mahalaga ang paglalaan ng oras sa…